Disclaimer: Hindi ito self pity. Muka lang! Pero shet! sinabing hindi! :)Na-fi-feel ko ngayon na parang ang pathetic ko.
Yung episode na hindi ko na naman alam gagawin sa buhay ko.
Yung parang lost na naman.
Yung feeling na bakit yung ibang tao alam na ang dapat nilang gawin sa buhay nila.
Yung tipong may klase sa eskwelahan about life tapos ikaw hindi present nung araw na yun.
Last year narealize ko na pwede ko pa lang maging mahal ang propesyon ko (mahal ko na s'ya pero hindi s'ya ang passion ko). Eh deh ayos na, parang may track na naman ang buhay ko. Sailing smoothly ang peg.
Nakakita ng opportunity para mag-work abroad early this year. Dugo at pawis sa pag-a-apply pinuhunan. Mukang worth it naman kasi pasado lahat! Nagbayad na nga ako ng partial para sa placement. Pinag-resign na din ako ng agency. All set na....
That was last July. Hanggang ngayon eto pa din ako. Nganga! Naghihintay. Nakikitira sa kapatid.
Hindi ko naman masabing scam na to ng agency. (in denial!) Nagpa-follow up naman daw sila sa employer though wala pa daw reply.
Wala naman ako magawa kundi ang maghintay. (hanggang kailan?)
Pero yun ang pinaka-mahirap sa sitwasyon ngayon. Yung idea na wala kang magawa! (parang ginahasa lang.. "Wala akong nagawa!" tapos papasok sa banyo maliligo sa shower at magku-kuskos ng madiin gamit ang puting sabon, iiyak habang sinasambit paupo ang classic na "ang dumi dumi ko!" fyi: si Dante ang gumahasa. Wahahahaha!)
Anyway!
Kung wala lang naibayad sa agency ang daling mag-move on. Kung hindi lang nag-resign agad sa trabaho madaling maghintay. Pero yung eto nakatunganga na parang kawawa. Mahirap!
Yung nag-iisip ka kung ano ang pwedeng gawin. (Magbenta kaya ako ng hiyas? Hiyas ko. Hahaha!)
Ang positibo na tinitingnan ko sa sitwasyong ito; ino-obliga n'ya akong mag-isip, mag reflect, mag contemplate. Mas nakikilala ko sarili ko. May mga aral na napupulot.
Life is ever unpredictable. May twists and turns ito na kahit anung prudent at ingat mo eh may times na mahuhuli ka nito off guard. Hindi ko sinasabing walang silbi ang maging maingat, hindi ko din sinasabing pag always ready eh go sa go na.
Ang nais kong i-point out: Life is shitty however you decide to live it. Hindi ito babango para sa'yo. Hindi ito maghihintay para sa'yo. Hindi ito umiikot sa'yo.
Don't take your self and your life too seriously. Chill ka lang! Kung kaya mo eh deh smile. Hayop na buhay yan! Padadaig ka ba dahil lang sa miserable ka? Miserable ka na nga palalalain mo pa ng pagdradrama.
Live life in a way na "steady lang".
Humagalpak sa pagtawa pag may nakakatawa. Umiyak ng pang FAMAS pag may nakakaiyak. Mag funny face ng bigay todo sa picturan, napag-usapan man o hindi.
Hindi ka nagiging COOL kung pa-cute ka sa picture. Hindi ka nagiging MATAPANG kung lagi mong pilit pinipigilan ang mga luha mo. At hindi ka nagkakaroon ng BREEDING sa pa-demure na pagtawa.
May kanya kanya tayong krus na pinapasan. May putanginang moment na sabay sabay nating kailangang pasanin ang madaming krus. Pag ganun, huwag kakalimutan: lilipas at lilipas din ang putanginang moment na yan. Kaya iwasang maging KJ.
Life is too short para maging pathetic at mag self pity... pero long enough para magpaka-BONGGA! :)