From time to time, I always ask myself, am I comfortable being the real me? Depends really with the situation. When I'm alone, yeah sure, most of the time I am, but not always. Sometimes, even when I'm alone, there are just those moments when I feel, I should be this or I should be that. I don't clearly understand why, but maybe, I'm hoping for the best here, I am continually growing as me. I'll never know if for the better.. but one thing I'm sure about is, I don't want to care for what others think. Because what others think is irrelevant. It does affect me sometimes of course, but I don't think it makes it more relevant at all.
Sunday, September 18, 2011
Sunday, April 10, 2011
Yabang Much!?
Naalala ko lang, may isa pa akong habit nung estudyante pa ako. Ako yung tipo na mag-aaral na pag may biglang tanong ang teacher/professor eh hindi agad sasagot o magtataas ng kamay. Ayokong nakikipagsabayan sa pagsagot sa mga kaklase ko. Kasi kung alam naman ng nakakarami, mawawalan ng saysay ang lahat, hindi ako sikat. Common knowledge na kumbaga.
Halimbawang nagtanong yung teacher, may 3 seconds na gap bago ako magdecide sumagot pag alam ko.
"Do you know the meaning of SPF?"
...1...2...3--'Sun Protection Formula!' (Full voice, dinig sa buong klase.. then kaka-discover ko lang na Sun Protection Factor pala ang tamang ibig sabihin) hahaha! Ang yabang diba?
"Ask not! What your country can do for you. Ask what you can do for your country. Who said that?"
...1...2...3--'KENNEDY!' (hahaha, our dean asked that question. Sikat na naman!)
"NATO? I'm not sure what that is? Who here knows?"
...1...2...3--'North Atlantic Treaty Organization' (iling na lang ako sa sarili kong kayabangan)
Ewan ko kung bakit ginagawa ko ito? Malamang deep inside gusto ko lang na marecognize ang katalinuhan ko. Balik ito sa insecurity... so kung iisipin, isa talaga akong insecure na tao. Lahat naman may insecurities, nasa pag handle mo lang sa insecurity mo ang maghihiwalay sa normal at walang breeding. Para sa akin, ang cheapest form manifestation ng insecurity ay yung nanlilibak ka ng isang tao para ma-down s'ya at hiyain, mai-portray mo lang sa sarili mo na superior ka. Pero niloloko mo lang sarili mo pag ganun.
Pinaka-mainam na paghandle sa insecurity ay harapin mo ito head on at gawin ang iyong makakaya para ma-improve ang anuman sa tingin mo ay deficiency mo. Kung insecure ko sa talino, mag-aral at magsikap ka, nakukuha sa determinasyon at dedikasyon ang pagiging matalino (Trust me!). Ang medyo mahirap siguro i-handle eh kung pangit ka (as in pangit yung mukha, hindi yung katabaan o kapayatan, kasi self discipline katapat ng weight), kasi plastic surgery ang isang solusyon don, kailangan ng pera. Siguro, katulad ng pagtanggap ng mga homosexuals sa sarili, kailangan ding tanggapin ang sarili mong kapangitan. Kumbaga 'embrace your ugliness'. Sa yun ang itsura eh. Kanya kanya tayong mukha, wala namang magsasabing kasalanan mong ganyan ang mukha mo. Nasa pagdadala na lang din yan. Carry yourself with confidence and just FUCK! everything else.
Friday, April 8, 2011
Inglis Insecurity
Isa marahil sa pinaka-annoying habits ko ay ang walang puknat na pagpuna sa kamalian ng English ng ibang tao. Mapa grammar o spelling. Masyadong matalas ang aking mata at tenga pagdating sa aspect na yan. Singular-Plural, Subject-Verb Agreement, Tenses, etc.. Lahat na lang yata. Nung college, super lala ng pang ookray ko. Lahat na lang, sinasabihan ko pag nagkamali. Kung hindi man, OA ang reaction ko, may paghagalpak ng tawa, makahulugang ngiti o kaya nakakainis na pagbulong sa sarili. Pero ngayong malaki-laki na ako, Nag-improve naman na ako, yung mga ka-close ko na lang ang sinasabihan ko. Kasi Na-realize kong, hindi naman s'ya ganung ka big deal. Although syempre hindi naman s'ya balewala. Minsan kahit gang ngayon, pag sobra sobra naman yung kamalian, hindi ko pa din mapigilan sarili ko sa pag react.Pero ng minsang maka-usap ko yung kaibigan ko tungkol sa kayabanagan ko tungkol sa bagay na ito, ang sabi n'ya: "Ganun talaga, kung saan ka insecure, yun yung madalas na napapansin mo sa iba.". Nagising ako sa sinabi n'yang yun. Looking back, naisip ko, oo nga hanoh!? insecure ako sa sarili kong English. Natatandaan ko nung 4th year HS ako, mga tatlong schools yata ang kinuhanan ko ng entrance exams, isa lang ang naipasa ko, yung isa waiting list lang. Nagtataka ako, ang pagkakilala ko sa sarili ko eh matalinong bata, Valedictorian nga ako nung HS eh. Tapos nung lumabas yung mga grades at results nung mga exams, shet! ang tataas ng Math, Science at General Info ko... pagdating nung English, YUCK! ang baba! bagsak! hahaha! Ang tanga tanga ko pala sa English, hindi ko nakita yun until ng time na yun. Dahil dun, nag-pursige ako na alamin ang punyetang English na yan. Ayun, may rules rules pala. Hahaha! Akala ko nung HS basta kakabisaduhin mo lang ang meaning ng Parts of Speech, terms and definitions. Kailangan pala, intindihin mo yung meaning at i-apply mo sa paggamit. Kaya ayun, hindi naglaon, naging maayos ang English Skills ko. Pero hindi ko pa naman maihanay na magaling yung grammar ko, kasi minsan eengot engot pa din ako sa spelling at grammar.
Pero yun nga, nung gumaling ako sa English, panay naman ang okray ko sa English ng iba. Insecurity nga ang puno't dulo. Pero anyway, unti unti ko naman na iniiwasan, tulad nga ng sabi ko, sa mga ka-close ko na lang at sarili ko ako masyadong critical. Pagdating sa iba, pinapalampas ko na.
Sa pag iisip isip, Filipino naman tayo, kailangan ba talagang magaling tayo sa English? Naisip ko naman, sa panahon ngayon kung saan laging paksa at nagyayari naman talaga, KAILANGAN! Ang tinutukoy ko ay globalisasyon. Bawat isa sa atin eh dapat maging competitive, dahil kung hindi, maiiwan at maiiwan tayo. Hindi naman kailangang super perpekto ang English, pero sana naman, katanggap tanggap man lang ang maging paggamit natin sa English.
Ang nakakalungkot, may mga teachers na nagpapatype ng exam sa amin (may computer shop kami), tapos pag binabasa ko yung mga questions sa English at Science partikular, GRABE! nakaka-shock ang kamangmangan ng mga teachers sa paggamit ng English. Maihahanay ko ang kanilang English sa linya ng hindi katanggap tanggap! Isa sa natatandaan kong tanong eh, "Circle the animals that is the carnivore." Eeeeew! Ano yun? Good luck na lang sa bagong henerasyon kung ganitong kalidad ang mga teachers nila.
Ano kaya ang pwede nating gawin? Marami, pero ang lahat ay dapat magsimula sa tahanan. Magulang ang dapat humikayat o magsimula ng maayos na paggamit ng English. Walang kayabangan sa pagiging marunong mag English. Ito ay kinakailangan sa panahong ito. Dahil kapag malaki ka na, at tipong, medyo naligaw ka ng landas o linya... at least hindi ka magugutom, pwede kang pumasok sa Call Center. Hahaha! At hindi lang yun, 10% ng Filipino nasa labas ng bansa, malamang sa malamang na ikaw mismo ay mag-a-abroad din, abante mo na ang mainam na paggamit ng English.
Tuesday, April 5, 2011
DEXTER Fever!
Ngayong mga panahong ito, grabe ang pagkagusto ko sa series na DEXTER! Ang super cool kasi ng character. Ang bidang character sa palabas ay si Dexter (obvious?), isa s'yang psychopath o sociopath na serial killer. Ang kaibahan sa kanya, ang mga pina-patay n'ya ay mga killers. So magkakaroon ka talaga ng affinity sa character n'ya.Ang witty kasi ng istorya bawat episodes. Funny na morbid na may pagka sexy ng kaunti. SUPER! Syempre, makabagong henerasyon na ako, DVD ko s'ya pinapanood, pero illegal ko lang kinuha... salamat sa torrent! :) Natapos ko na yung season 4! So far, yun ang favorite kong season.
Ang nakakabaliw pa dito sa Dexter lalo na kung sa DVD mo pinapanood, hindi mo maitigil ang panonood! grabe, kasi gusto mong malaman agad kung ano ang mangyayari sa susunod na episode. Cliff hanger kung cliff hanger! :) Pakshet! ngayong nagkwekwento lang ako eh excite na excite na ako.
Favorite ko pa sa buong series na ito ay yung character mismo ni Dexter! So cool! dahil may dark passenger nga s'yang pasanin, hindi s'ya talaga nakakaramdam ng emotions. Hindi s'ya natatakot, nalulungkot o sumasaya ng sobra, lagi nga n'yang sinasabi na hindi s'ya human. Pero ang ironic, pag tungkol sa family na, doon lumalabas ang vulnerabilities n'ya. Super family is everything sa kanya. Dahil nga sa kanila, kaya minsan napapahamak s'ya.
Nakaka-pag-wonder nga din sa sarili ko, bakit ako na-hook? at ang weird pa, chini-cheer mo pa ang isang mamamatay tao. Natatakot kang masuplong s'ya at kinakabahan pag may mga instances na mahuhuli s'ya. Ang tanong, am I sick in the head because I so love everything about DEXTER?
Monday, April 4, 2011
Coming Out!

I'm 25 years old. Male. Ano exciting? Wala naman, pero sa edad na ito napag-decidan kong mag come out sa tunay na sexuality ko (late bloomer). Yep, I am homosexual.
Matagal ko naman na ding alam. Pero nung 20 years old ako, tsaka ko lang naamin sa sarili ko na bading ako. Natatandaan ko pa yun, kasi 20th birthday ko yun. Nag emo emohan ako kasi, sa isip ko, hindi na ako teenager, malaki na ako, tapos may pag amin pang naganap sa sarili ko. Kaya may tears na umeksena.
Maliit palang medyo kakaiba na din naman yung kilos ko, although hindi super malamya at hindi naman ako kumekembot pag lumalakad, ako yung tipo ng bata na parang si Little Red Riding Hood na nag skip skip. :) Siguro iniisip ng mga tao at family ko na masayahing bata ako at ako din mismo hindi ko naman pinapansin, kasi wala pa naman ako concept ng sexuality at gender orientation nun. Grade 3 ako ng una kong ma-realize, hmmm medyo kakaiba. Kasi kasali ako sa Cub Scout nun, eh may inter school activity, so may visitors. May nakita akong isang boy sa ibang school, parang naging interesante s'ya. Nalulugod ako sa kanya, kaya pag may pila pila kunwari na dapat gawin, mine-make sure ko na nasa likod nya ako o kami yung magkasunod. Kasi diba, may sidewards na pagpila pa nung scout scout na ganun, so mata-touch nya yung shoulder ko! (hahaha! ke-bata bata, ang arte). Yun yung unang memory ko na, yep, I'm gay. Pero nung time na yun, wala lang sa akin, hindi ko nga alam na crush pala tawag dun. Nag ka-crush na pala ako bata palang. :)
Masaya ang memory ko ng elementary, ang mga bad days lang na natatandaan ko, ay pag may tumukso sa akin ng "Bakla!" shit pag ganun, bothered na bothered ako. Super nag-wo-wonder ako bakit nila sinasabi yun? Hindi naman ako flamboyant. Pero looking back, gaga pala ako, puro girls ako nakikisama nung elem ako, hindi ako sporty, malamya pagkilos ko. Stereotype ng pagiging silahis, pero sa mata ng mga bata, walang difference sa silahis at sa full blown bakla.
Hanggang HS naman, may pasulpot sulpot na tukso pa din naman ng "Bakla!". Pero hindi kasing dalas nung nasa elementary. Malamang dahil natutunan ko din na magpaka-low profile noon. Nagtago sa shell para may protection, which by the way worked for a while. Pero in the long run, hindi din nakainam, kasi, nabagbag ang self confidence ko. Sana, pala mas maaga kong na-embrace kung sino ako.
Kasi naman lumaki ako with a thinking na "You should not be gay", "Homosexuality is not normal", "Malungkot ang buhay ng mga bakla", "Mag-iisa ka lang pag tanda mo", "Peperahan ka lang ng mga lalaki". Kaya ayun, super winiwish ko na nung elemantary ako, eh phase lang ang pinagdadaanan ko. Iniisip ko na pag sapit ng puberty, datingan na ang hormones, magbibinata na ako at maa-attract na din sa mga girls (yep, matalinong bata ako, mahilig sa Science). Pero aba, pagdaan ng panahon, wala pa ding nagbago, anong klaseng phase to hindi na huminto. Kaya ayun, 20 years old ko pa na-admit sa sarili ko.
Ang nakatulong sa akin na tanggapin ang sexuality ko ay dahil sa pagbabasa at panonood about homosexuality (hindi porn! educational materials). Nagbabasa ako sa shelves ng National Bookstore, buti na lang merong available. Tsaka sa panonood din ng TV. Ang sinisisi ko kung bakit outcasted ang mga homosexuals partikular dito sa Pilipinas eh dahil sa bulag na pagtuturo ng simbahang Katoliko. Which is ironic, kasi madami akong Pari na pag pinapakinggan ko eh, ooops, bading toh! :) yung Gaydar ko ayaw tumigil sa pagtunog. Pero wala namang masama kung bading sila, ang point ko lang, sana huwag ituro bilang salita ng Diyos na labag sa kalikasan ang pagiging bakla.
Natatandaan ko pa ang unang taong sinabihan ko na "Yes. I am gay". Ang pangalan n'ya ay Glenda (hindi nya tunay na pangalan, ang tunay na pangalan n'ya ay Abcde). Magkatext kami noon, out of nowhere, tinanong ba naman ako kung gay ako, nagulat ako sa tanong, pero napag decidan ko na ding sabihin. Kasi s'ya yung babaeng nung confused pa ako ang inattempt kong ligawan. Inuulit ko attempt, kasi hindi ako marunong manligaw, isa akong tanga. :) Feeling ko type din n'ya ako kaya naitanong n'ya yun. Tinitingnan kung may patutunguhan ang pagtetextan namin. Hahaha!
Pangalawa kong sinabihan eh yung isang iniidolo ko na friend ko nun sa Friendster. Judgmental din ako. Kasi adult male s'ya at wala pa ding family, nasa 40s na s'ya nun. Inassume ko lang na homosexual din s'ya kaya sa kanya ako nag open up. Iniisip ko kung na-shock kaya s'ya, pero either way malaki ang naitulong n'ya sa akin. Medyo hindi lang ako totally agree sa ibang sinabi n'ya. Tulad ng ang homosexuality ay choice daw. Kung choice yun, aba, hindi ko na pipiliin maging kakaiba. Gusto ko na lang din maging straight. Pero sa pag-iisip, may point naman s'ya, kasi free pa din naman ako kung gusto kong magka-pamilya. Pwede naman hindi ako mamuhay bilang ako. Pero, mahirap yun, unfair sa sarili ko at unfair din sa babae. Parehong lugi kung baga. Isa pang tinanong ko sa kanya nun ay, kung aamin ba ako kapag may nagtanong sa akin na "Bakla ka ba?" ang sagot n'ya sa akin ay huwag daw ako aamin. Naiintindihan ko s'ya, gusto n'ya lang din ako protektahan at tsaka hindi naman na talaga business ng ibang tao ang sexualidad ko. Pero ang opinyon ko ngayon, sasabihin ko ang totoo, kasi ngayon, sigurado naman akong walang masama sa pagiging iba.
Ang mga parents ko nasa Amerika. Nasabi ko sa kanila early this year lang din. Sinabi ko sa isang mahabang detalyadong sulat. Maswerte ako at walang awkward moment kasi malayo sila, hindi ko nakita mga reactions nila. Ang sagot ng mom ko, "Sure ka ba?" hahaha. In fairness, natawa ako don. Ang mga parents talaga, hanggang sa huli hindi pa din nag-gi-give up sa pangarap nila para sa anak. :) Parang sinisi pa ni mom ang sarili n'ya kasi, baka daw natakot lang ako sa relationships kasi nung bata daw ako ay lagi n'ya akong kwinekwentuhan sa mga problema nila ni dad. :) Sinabi ko naman sa kanya na walang kinalaman yun. Wala naman talaga. Ngayon, hindi naman na nababanggit ang tungkol sa sexualidad ko. Na-a-awkwardan din siguro nilang pag usapan. Pero okay lang sa akin. Kung sakali namang may tanong sila open naman ako.
Tapos recently lang, sinabi ko na din sa mga close friends ko at close family ko. I believe tama ang desisyon ko, alam ko din namang naaamoy nila, pero super appreciated ko na kahit minsan eh hindi nila ako tinanong. Which means, it doesn't matter sa kanila. Beyond dun ang closeness namin. Kaya nagpapasalamat ako sa kanila. :) They know I love them. Now, I feel so free. Actually, wala namang pretentions sa part ko, ganun pa din naman actions at pag iisip ko pag kasama ko sila. Yun nga lang, hindi lang official na sinabi ko sa kanila na I'm gay. Ngayon, ayos na! :)
Hindi madaling mag come out. Mahabang proseso. Ang pinaka-mahirap na proseso ay ang pagtanggap mo sa sarili mo. Ang una mong dapat marealize ay walang masama sa homosexuality. Sa mga nag u-undergo ng identity crisis, hindi naman dapat madaliin ang proseso, kanya kanya tayo ng phase. Ang importante ay patuloy nating pinag-aaralan ang sarili natin. Magbasa, manood, magmasid, mag-isip at maging bukas. Only you can tell when the time is right.

Subscribe to:
Comments (Atom)