Tuesday, April 5, 2011

DEXTER Fever!

Ngayong mga panahong ito, grabe ang pagkagusto ko sa series na DEXTER! Ang super cool kasi ng character. Ang bidang character sa palabas ay si Dexter (obvious?), isa s'yang psychopath o sociopath na serial killer. Ang kaibahan sa kanya, ang mga pina-patay n'ya ay mga killers. So magkakaroon ka talaga ng affinity sa character n'ya.

Ang witty kasi ng istorya bawat episodes. Funny na morbid na may pagka sexy ng kaunti. SUPER! Syempre, makabagong henerasyon na ako, DVD ko s'ya pinapanood, pero illegal ko lang kinuha... salamat sa torrent! :) Natapos ko na yung season 4! So far, yun ang favorite kong season.

Ang nakakabaliw pa dito sa Dexter lalo na kung sa DVD mo pinapanood, hindi mo maitigil ang panonood! grabe, kasi gusto mong malaman agad kung ano ang mangyayari sa susunod na episode. Cliff hanger kung cliff hanger! :) Pakshet! ngayong nagkwekwento lang ako eh excite na excite na ako.

Favorite ko pa sa buong series na ito ay yung character mismo ni Dexter! So cool! dahil may dark passenger nga s'yang pasanin, hindi s'ya talaga nakakaramdam ng emotions. Hindi s'ya natatakot, nalulungkot o sumasaya ng sobra, lagi nga n'yang sinasabi na hindi s'ya human. Pero ang ironic, pag tungkol sa family na, doon lumalabas ang vulnerabilities n'ya. Super family is everything sa kanya. Dahil nga sa kanila, kaya minsan napapahamak s'ya.

Nakaka-pag-wonder nga din sa sarili ko, bakit ako na-hook? at ang weird pa, chini-cheer mo pa ang isang mamamatay tao. Natatakot kang masuplong s'ya at kinakabahan pag may mga instances na mahuhuli s'ya. Ang tanong, am I sick in the head because I so love everything about DEXTER?

No comments:

Post a Comment