Single ako.... (parang binubugaw lang sarili)
May pinanggalingan akong trabaho, deh syempre may mga friends ako dun, tapos may bago silang kasama. Eka nung mga kaibigan ko, yung bago daw na yun eh type ako. Natuwa naman ako, syempre mafla-flattered naman talaga pag nalaman mong may ganun ka pa palang alindog (bomba star lang?). Na-curious naman ako kung sino yun.
Tapos nung finally eh na-meet ko na ang taong eka nila eh type daw ako... honggwapo! at bagets! Nalaglag naman yung panty ko! Hayop!
Kaya lang. Sa halip na matuwa ako at sabihing ang swerte swerte ko! eh for some mindfucking reason, nalungkot naman ako at na-insecure. Hindi naman s'ya yung hunky hunk na artistahin, pero compared sa akin eh gwapong gwapo talaga, tagilid na tagilid ako.. Eh ako pa naman yung tipong ayokong alanganin ako sa ka-relasyon ko (ako na ang putanginang pok pok! Nasabi lang na type ako, relasyon na agad tumakbo sa isip ko.. Eh bakit ba!?). Tapos nung nag-meet nga kami, hayop na mga friends ko! Parang hindi naman ako type.. Paasa lang!
Naramdaman ko tuloy na hongpangit pangit ko, ang taba ko, ang dami kong pimples, ang oily ko, ang itim ng singit ko, ang pangit ng damit ko, ang tanda ko na! Putangina lang, yung ramdam mo bang bakit kasi ganun lang itsura mo?
For someone who claims to not judge people by their appearances, I surely am one of the biggest hypocrites... and I suffer the hardest of that hypocrisy; for I subject myself to that very judgment. I am always not good enough for me.
Yung tipong ang pinaka-ayokong nararamdaman eh yung may pakialam ako sa itsura ko at sa iniisip ng iba. Masaya ba akong confident sa kapangitan ko.
Hongdrama ko! Putangina sana next time yung ka-level ko lang magkakagusto sa akin! Napupunyeta self esteem ko pag nararamdaman kong pangit ako.
Naalala ko naman sabi nung friend ko bigla after all these fucking emo moments. "Kung ikaw mismo mababa tingin sa sarili mo, sino mag-aangat sa'yo?"
O sige na nga, ibahin ko wish ko! Sana makalaglag panty magkagusto sa akin pero sana hindi ako kasing pathetic ng ngayon pag dumating yun. (o diba!? Syempre gwapo pa din ang bet! Sa huli pisikalan pa din! Wahahahaha!)
No comments:
Post a Comment