Isa marahil sa pinaka-annoying habits ko ay ang walang puknat na pagpuna sa kamalian ng English ng ibang tao. Mapa grammar o spelling. Masyadong matalas ang aking mata at tenga pagdating sa aspect na yan. Singular-Plural, Subject-Verb Agreement, Tenses, etc.. Lahat na lang yata. Nung college, super lala ng pang ookray ko. Lahat na lang, sinasabihan ko pag nagkamali. Kung hindi man, OA ang reaction ko, may paghagalpak ng tawa, makahulugang ngiti o kaya nakakainis na pagbulong sa sarili. Pero ngayong malaki-laki na ako, Nag-improve naman na ako, yung mga ka-close ko na lang ang sinasabihan ko. Kasi Na-realize kong, hindi naman s'ya ganung ka big deal. Although syempre hindi naman s'ya balewala. Minsan kahit gang ngayon, pag sobra sobra naman yung kamalian, hindi ko pa din mapigilan sarili ko sa pag react.Pero ng minsang maka-usap ko yung kaibigan ko tungkol sa kayabanagan ko tungkol sa bagay na ito, ang sabi n'ya: "Ganun talaga, kung saan ka insecure, yun yung madalas na napapansin mo sa iba.". Nagising ako sa sinabi n'yang yun. Looking back, naisip ko, oo nga hanoh!? insecure ako sa sarili kong English. Natatandaan ko nung 4th year HS ako, mga tatlong schools yata ang kinuhanan ko ng entrance exams, isa lang ang naipasa ko, yung isa waiting list lang. Nagtataka ako, ang pagkakilala ko sa sarili ko eh matalinong bata, Valedictorian nga ako nung HS eh. Tapos nung lumabas yung mga grades at results nung mga exams, shet! ang tataas ng Math, Science at General Info ko... pagdating nung English, YUCK! ang baba! bagsak! hahaha! Ang tanga tanga ko pala sa English, hindi ko nakita yun until ng time na yun. Dahil dun, nag-pursige ako na alamin ang punyetang English na yan. Ayun, may rules rules pala. Hahaha! Akala ko nung HS basta kakabisaduhin mo lang ang meaning ng Parts of Speech, terms and definitions. Kailangan pala, intindihin mo yung meaning at i-apply mo sa paggamit. Kaya ayun, hindi naglaon, naging maayos ang English Skills ko. Pero hindi ko pa naman maihanay na magaling yung grammar ko, kasi minsan eengot engot pa din ako sa spelling at grammar.
Pero yun nga, nung gumaling ako sa English, panay naman ang okray ko sa English ng iba. Insecurity nga ang puno't dulo. Pero anyway, unti unti ko naman na iniiwasan, tulad nga ng sabi ko, sa mga ka-close ko na lang at sarili ko ako masyadong critical. Pagdating sa iba, pinapalampas ko na.
Sa pag iisip isip, Filipino naman tayo, kailangan ba talagang magaling tayo sa English? Naisip ko naman, sa panahon ngayon kung saan laging paksa at nagyayari naman talaga, KAILANGAN! Ang tinutukoy ko ay globalisasyon. Bawat isa sa atin eh dapat maging competitive, dahil kung hindi, maiiwan at maiiwan tayo. Hindi naman kailangang super perpekto ang English, pero sana naman, katanggap tanggap man lang ang maging paggamit natin sa English.
Ang nakakalungkot, may mga teachers na nagpapatype ng exam sa amin (may computer shop kami), tapos pag binabasa ko yung mga questions sa English at Science partikular, GRABE! nakaka-shock ang kamangmangan ng mga teachers sa paggamit ng English. Maihahanay ko ang kanilang English sa linya ng hindi katanggap tanggap! Isa sa natatandaan kong tanong eh, "Circle the animals that is the carnivore." Eeeeew! Ano yun? Good luck na lang sa bagong henerasyon kung ganitong kalidad ang mga teachers nila.
Ano kaya ang pwede nating gawin? Marami, pero ang lahat ay dapat magsimula sa tahanan. Magulang ang dapat humikayat o magsimula ng maayos na paggamit ng English. Walang kayabangan sa pagiging marunong mag English. Ito ay kinakailangan sa panahong ito. Dahil kapag malaki ka na, at tipong, medyo naligaw ka ng landas o linya... at least hindi ka magugutom, pwede kang pumasok sa Call Center. Hahaha! At hindi lang yun, 10% ng Filipino nasa labas ng bansa, malamang sa malamang na ikaw mismo ay mag-a-abroad din, abante mo na ang mainam na paggamit ng English.
No comments:
Post a Comment