Friday, September 7, 2012

Steady Lang


Disclaimer: Hindi ito self pity. Muka lang! Pero shet! sinabing hindi! :)

Na-fi-feel ko ngayon na parang ang pathetic ko.

Yung episode na hindi ko na naman alam gagawin sa buhay ko.

Yung parang lost na naman.

Yung feeling na bakit yung ibang tao alam na ang dapat nilang gawin sa buhay nila.

Yung tipong may klase sa eskwelahan about life tapos ikaw hindi present nung araw na yun.

Last year narealize ko na pwede ko pa lang maging mahal ang propesyon ko (mahal ko na s'ya pero hindi s'ya ang passion ko). Eh deh ayos na, parang may track na naman ang buhay ko. Sailing smoothly ang peg.

Nakakita ng opportunity para mag-work abroad early this year. Dugo at pawis sa pag-a-apply pinuhunan. Mukang worth it naman kasi pasado lahat! Nagbayad na nga ako ng partial para sa placement. Pinag-resign na din ako ng agency. All set na....

That was last July. Hanggang ngayon eto pa din ako. Nganga! Naghihintay. Nakikitira sa kapatid.

Hindi ko naman masabing scam na to ng agency. (in denial!) Nagpa-follow up naman daw sila sa employer though wala pa daw reply.

Wala naman ako magawa kundi ang maghintay. (hanggang kailan?)

Pero yun ang pinaka-mahirap sa sitwasyon ngayon. Yung idea na wala kang magawa! (parang ginahasa lang.. "Wala akong nagawa!" tapos papasok sa banyo maliligo sa shower at magku-kuskos ng madiin gamit ang puting sabon, iiyak habang sinasambit paupo ang classic na "ang dumi dumi ko!" fyi: si Dante ang gumahasa. Wahahahaha!)

Anyway!

Kung wala lang naibayad sa agency ang daling mag-move on. Kung hindi lang nag-resign agad sa trabaho madaling maghintay. Pero yung eto nakatunganga na parang kawawa. Mahirap!

Yung nag-iisip ka kung ano ang pwedeng gawin. (Magbenta kaya ako ng hiyas? Hiyas ko. Hahaha!)

Ang positibo na tinitingnan ko sa sitwasyong ito; ino-obliga n'ya akong mag-isip, mag reflect, mag contemplate. Mas nakikilala ko sarili ko. May mga aral na napupulot.

Life is ever unpredictable. May twists and turns ito na kahit anung prudent at ingat mo eh may times na mahuhuli ka nito off guard. Hindi ko sinasabing walang silbi ang maging maingat, hindi ko din sinasabing pag always ready eh go sa go na.

Ang nais kong i-point out: Life is shitty however you decide to live it. Hindi ito babango para sa'yo. Hindi ito maghihintay para sa'yo. Hindi ito umiikot sa'yo.

Don't take your self and your life too seriously. Chill ka lang! Kung kaya mo eh deh smile. Hayop na buhay yan! Padadaig ka ba dahil lang sa miserable ka? Miserable ka na nga palalalain mo pa ng pagdradrama.

Live life in a way na "steady lang".

Humagalpak sa pagtawa pag may nakakatawa. Umiyak ng pang FAMAS pag may nakakaiyak. Mag funny face ng bigay todo sa picturan, napag-usapan man o hindi.

Hindi ka nagiging COOL kung pa-cute ka sa picture. Hindi ka nagiging MATAPANG kung lagi mong pilit pinipigilan ang mga luha mo. At hindi ka nagkakaroon ng BREEDING sa pa-demure na pagtawa.

May kanya kanya tayong krus na pinapasan. May putanginang moment na sabay sabay nating kailangang pasanin ang madaming krus. Pag ganun, huwag kakalimutan: lilipas at lilipas din ang putanginang moment na yan. Kaya iwasang maging KJ.

Life is too short para maging pathetic at mag self pity... pero long enough para magpaka-BONGGA! :)

Tuesday, August 28, 2012

Iwas Pusoy

Bakit ba single pa din ako?

Tanong na hindi ko hinaharap sagot. Mababaw lang kasi talaga ang sagot. Kaya parang ang petty lang. Pero sa yun talaga ang dahilan eh.

Hindi dahil sa sexualidad ko.

Hindi dahil sa itsura ko.

Hindi dahil sa kawalan ko ng maayos na trabaho.

At lalong hindi dahil sa standard ko. (easy to get naman talaga ako..) ;)

Dahil lang sa TAKOT.

Takot ako kasi wala akong alam sa bagay tulad ng relasyon, relasyong may malisya ang ibig kong sabihin, yung relasyong nagsesex kayo ganon..  Hindi ko alam kung paano talaga ito umiikot. Wala akong idea kung paano ba sisimulan.

Pwede ding sabihing I'm not putting myself out there.

Nung may freakish incident naman kasi na nagpakita ng motibo sa akin na-turn off agad ako. Honghalay kasi agad ng approach. Chansing na agad ganon!? Hindi ba pwedeng pacute-pacute muna. Easy to get ako pero may belo pa din ako ng pagka Maria Clara. Ako yung tipong naniniwala sa tunay na pagibig.

Sabi nila huwag mo daw actively i-seek ang pag-ibig, kusang dumadating yan. Hongtagal naman!

Dati nagtry ako sa kajologsan ng textmate. Ang hirap humanap ng matinong kausap at ng ka-wavelength dun. Ang daming jejemon! Kaya mabilis akong nagsasawa. Hindi ko na lang bigla nirereplyan. Tsaka pag nagiging mahalay na usapan, wala na! Dinidelete ko na number. Hindi naman ako nagmamalinis, pero yun nga, malinis ako. Hahaha! Joke lang, balahura din ako pag tinotopak.

Yung tao kasi na feeling ko pag-ibig na, eh malabo, straight kasi s'ya (weh!?). Marespeto ako kaya hindi ko pinaramdam, para hindi naman maging awkward. I won't cross the line naman kung hindi dapat tawirin. (alam mo na, busilak).

Masarap din naman maging single, pero syempre may times na gusto mong may ka-MOMOL; ka-sex ganyan! Hahaha!

At yun ang pinaka-wakanabitch sa lahat! Virgin na virgin pa din ako (dalisay!)! Naiisip ko nga minsan, hmmm, ano kaya kung magbayad ako for sex? Tapos maiisip ko, ay! wala akong pera. Mahal! 'Wag na lang! Hahaha! Hintayin ko na lang si tunay na pag-ibig at tsaka mag-pakasasa sa labing labing. :)

Fear of the unknown lang pala conclusion ang daming sinabi (honglande!).

Wednesday, August 22, 2012

Insecurity Bonanza


Ganito kasi yun!

Single ako.... (parang binubugaw lang sarili)

May pinanggalingan akong trabaho, deh syempre may mga friends ako dun, tapos may bago silang kasama. Eka nung mga kaibigan ko, yung bago daw na yun eh type ako. Natuwa naman ako, syempre mafla-flattered naman talaga pag nalaman mong may ganun ka pa palang alindog (bomba star lang?). Na-curious naman ako kung sino yun.

Tapos nung finally eh na-meet ko na ang taong eka nila eh type daw ako... honggwapo! at bagets! Nalaglag naman yung panty ko! Hayop!

Kaya lang. Sa halip na matuwa ako at sabihing ang swerte swerte ko! eh for some mindfucking reason, nalungkot naman ako at na-insecure. Hindi naman s'ya yung hunky hunk na artistahin, pero compared sa akin eh gwapong gwapo talaga, tagilid na tagilid ako.. Eh ako pa naman yung tipong ayokong alanganin ako sa ka-relasyon ko (ako na ang putanginang pok pok! Nasabi lang na type ako, relasyon na agad tumakbo sa isip ko.. Eh bakit ba!?). Tapos nung nag-meet nga kami, hayop na mga friends ko! Parang hindi naman ako type.. Paasa lang!

Naramdaman ko tuloy na hongpangit pangit ko, ang taba ko, ang dami kong pimples, ang oily ko, ang itim ng singit ko, ang pangit ng damit ko, ang tanda ko na! Putangina lang, yung ramdam mo bang bakit kasi ganun lang itsura mo?

For someone who claims to not judge people by their appearances, I surely am one of the biggest hypocrites... and I suffer the hardest of that hypocrisy; for I subject myself to that very judgment. I am always not good enough for me.

Yung tipong ang pinaka-ayokong nararamdaman eh yung may pakialam ako sa itsura ko at sa iniisip ng iba. Masaya ba akong confident sa kapangitan ko.

Hongdrama ko! Putangina sana next time yung ka-level ko lang magkakagusto sa akin! Napupunyeta self esteem ko pag nararamdaman kong pangit ako.

Naalala ko naman sabi nung friend ko bigla after all these fucking emo moments. "Kung ikaw mismo mababa tingin sa sarili mo, sino mag-aangat sa'yo?"

O sige na nga, ibahin ko wish ko! Sana makalaglag panty magkagusto sa akin pero sana hindi ako kasing pathetic ng ngayon pag dumating yun. (o diba!? Syempre gwapo pa din ang bet! Sa huli pisikalan pa din! Wahahahaha!)

Monday, August 6, 2012

RH Bill at SEX


Reproductive Health 

Pinag-aralan namin nung High School, 2nd year, tandang tanda ko pa kung sino teacher, lalaki teacher namin, tawanan to the max kami, kasi kapag testicles yung ine-explain n'ya, ang ginagamit n'yang term eh "yagbols" Wahahahaha! Everytime gagamitin ni Teacher yung term wala ng nangyayari, nag-i-ihit na kami sa kakatawa. Pero na-appreciate ko naman nun na may question and answer. At yung Q&A nun super candid at walang restrictions, naalala ko pa isa sa mga tanong ko, "Teacher, diba kunwari nakapasok na yung etits mo sa may vulva, pag hindi mo ginagalaw, naka-steady ka lang, may nararamdaman ka ba?" Nag-pause s'ya tumingin sa taas at yung tipong parang may ina-alalang memory, ang sagot n'ya "Wala". Kami naman "aaaahhh". Napag-usapan din kung paano ba nabubuntis. Nadiscuss din yung mga iba't ibang modes of contraception. Condom, pills, diaphragm, IUD, depo, rhythm, withdrawal atbp.. Naexplain din kung gaano ka-effective ang mga bawat isa d'yan, benefits, side effects. Mga ganung bagay. More or less 13 years old yata ako nun. 

So, na-corrupt ba ang kaisipan ko nun at ginawa ng available sa school namin yung mga information na yun? Ginawa ba akong mas-malibog nito? Too much ba para sa edad ko at hindi ba ito akma? Sa aking pananaw, isang malaking HINDI. Lalo na sa isang neutral place ko natutunan, nalaman, napag-usapan ang mga bagay na ito. Kasi aminin na natin, hindi ito malayang napag-uusapan sa loob ng tahanan. Isipin mo, kailan kayo nag-usap ng mga magulang mo about sex nung nasa pubertal stage ka? Pinag-usapan n'yo ba na, "Nanay, ayos lang ba makipagtalik kahit may regla, basta gagamit ng condom?". Malamang sa malamang wala namang usapang ganyan. Malaki ang chance na ang mga naka-usap mo about sex noon ay mga peers mo lang din. Pero paano nagiging takbo nun? Ang usapan lang naman nun eh yung experiences, punong puno ng subjectivity. Tawanan, pasikatan, kwentuhan. 

Para sa akin, kailangan at hindi mali na isama ang SEX EDUCATION sa curriculum ng elementary at HS. Ang mga bagay tulad ng sex ay dapat napag-uusapan din sa neutral ground o place para maiwasan ang hiya, ilang o biro. Para mas epektibong maintindihan ng mga bata. 

Hindi naiiwasan ang maagang pag engage sa pakikipagtalik o ang biglaang pagkabuntis sa pamamagitan ng pag-iwas o ipagbawal na pag-usapan ang SEX. 

Tanong, mababawalan mo bang makipag sex ang tao? 

Sagot, HINDI. 

Kahit bantay sarado mo yan, kahit "napalaki mo ng tama", kahit na open o close ang communication, kahit na girl, boy, bakla o tomboy, kahit na religious o hindi, kahit mabarkada o loner, kahit conservative o liberal, kahit may bisyo o wala, kahit naniniwala sa kasal o hindi, kahit matalino o bobo, kahit na maganda o pangit, kahit anu't anu pa yan... dumating, dumadating at dadating yan sa puntong nakipag sex, nakikipag sex o makikipag sex yan! 

So ang punto ko lang, hindi ba mas mainam na may alam s'ya about sa SEX? na may alam s'ya about sa SAFE SEX? Na kung gusto n'ya ay may access s'ya sa mga impormasyon ukol dito? 

So bakit? Bakit against na against ang ilang grupo about sa RH Bill? Eka nila ay Pro Life daw sila. 

Sabi ng CBCP at ilan pang pinuno ng Simbahang Katoliko, ang best way daw to prevent pregnancy at over population ay thru ABSTINENCE.... Haay! Bakit obsess na obsess ang Simbahang Katoliko sa SEX? Sa Life, kasama ang SEX! At walang masama doon. Parang pagkain yan. Mas exciting at mas masarap lang ang SEX. Pero nonetheless, same sila ng food. At ang mga obsess na obsess lang sa food ay ang mga Morbidly Obese at mga Anorexic. 

RH Bill. If you TRULY understood it, again and again, it does NOT in any way cause or promote ABORTION. At HINDI porke Anti-RH Bill ka eh nangangahulugang Pro Life ka na. 

RH BILL! It's about time!

Sunday, September 18, 2011

Random I

From time to time, I always ask myself, am I comfortable being the real me? Depends really with the situation. When I'm alone, yeah sure, most of the time I am, but not always. Sometimes, even when I'm alone, there are just those moments when I feel, I should be this or I should be that. I don't clearly understand why, but maybe, I'm hoping for the best here, I am continually growing as me. I'll never know if for the better.. but one thing I'm sure about is, I don't want to care for what others think. Because what others think is irrelevant. It does affect me sometimes of course, but I don't think it makes it more relevant at all.

Sunday, April 10, 2011

Yabang Much!?

Naalala ko lang, may isa pa akong habit nung estudyante pa ako. Ako yung tipo na mag-aaral na pag may biglang tanong ang teacher/professor eh hindi agad sasagot o magtataas ng kamay. Ayokong nakikipagsabayan sa pagsagot sa mga kaklase ko. Kasi kung alam naman ng nakakarami, mawawalan ng saysay ang lahat, hindi ako sikat. Common knowledge na kumbaga.

Halimbawang nagtanong yung teacher, may 3 seconds na gap bago ako magdecide sumagot pag alam ko.

"Do you know the meaning of SPF?"
...1...2...3--'Sun Protection Formula!' (Full voice, dinig sa buong klase.. then kaka-discover ko lang na Sun Protection Factor pala ang tamang ibig sabihin) hahaha! Ang yabang diba?

"Ask not! What your country can do for you. Ask what you can do for your country. Who said that?"
...1...2...3--'KENNEDY!' (hahaha, our dean asked that question. Sikat na naman!)

"NATO? I'm not sure what that is? Who here knows?"
...1...2...3--'North Atlantic Treaty Organization' (iling na lang ako sa sarili kong kayabangan)

Ewan ko kung bakit ginagawa ko ito? Malamang deep inside gusto ko lang na marecognize ang katalinuhan ko. Balik ito sa insecurity... so kung iisipin, isa talaga akong insecure na tao. Lahat naman may insecurities, nasa pag handle mo lang sa insecurity mo ang maghihiwalay sa normal at walang breeding. Para sa akin, ang cheapest form manifestation ng insecurity ay yung nanlilibak ka ng isang tao para ma-down s'ya at hiyain, mai-portray mo lang sa sarili mo na superior ka. Pero niloloko mo lang sarili mo pag ganun.

Pinaka-mainam na paghandle sa insecurity ay harapin mo ito head on at gawin ang iyong makakaya para ma-improve ang anuman sa tingin mo ay deficiency mo. Kung insecure ko sa talino, mag-aral at magsikap ka, nakukuha sa determinasyon at dedikasyon ang pagiging matalino (Trust me!). Ang medyo mahirap siguro i-handle eh kung pangit ka (as in pangit yung mukha, hindi yung katabaan o kapayatan, kasi self discipline katapat ng weight), kasi plastic surgery ang isang solusyon don, kailangan ng pera. Siguro, katulad ng pagtanggap ng mga homosexuals sa sarili, kailangan ding tanggapin ang sarili mong kapangitan. Kumbaga 'embrace your ugliness'. Sa yun ang itsura eh. Kanya kanya tayong mukha, wala namang magsasabing kasalanan mong ganyan ang mukha mo. Nasa pagdadala na lang din yan. Carry yourself with confidence and just FUCK! everything else.

Friday, April 8, 2011

Inglis Insecurity

Isa marahil sa pinaka-annoying habits ko ay ang walang puknat na pagpuna sa kamalian ng English ng ibang tao. Mapa grammar o spelling. Masyadong matalas ang aking mata at tenga pagdating sa aspect na yan. Singular-Plural, Subject-Verb Agreement, Tenses, etc.. Lahat na lang yata. Nung college, super lala ng pang ookray ko. Lahat na lang, sinasabihan ko pag nagkamali. Kung hindi man, OA ang reaction ko, may paghagalpak ng tawa, makahulugang ngiti o kaya nakakainis na pagbulong sa sarili. Pero ngayong malaki-laki na ako, Nag-improve naman na ako, yung mga ka-close ko na lang ang sinasabihan ko. Kasi Na-realize kong, hindi naman s'ya ganung ka big deal. Although syempre hindi naman s'ya balewala. Minsan kahit gang ngayon, pag sobra sobra naman yung kamalian, hindi ko pa din mapigilan sarili ko sa pag react.

Pero ng minsang maka-usap ko yung kaibigan ko tungkol sa kayabanagan ko tungkol sa bagay na ito, ang sabi n'ya: "Ganun talaga, kung saan ka insecure, yun yung madalas na napapansin mo sa iba.". Nagising ako sa sinabi n'yang yun. Looking back, naisip ko, oo nga hanoh!? insecure ako sa sarili kong English. Natatandaan ko nung 4th year HS ako, mga tatlong schools yata ang kinuhanan ko ng entrance exams, isa lang ang naipasa ko, yung isa waiting list lang. Nagtataka ako, ang pagkakilala ko sa sarili ko eh matalinong bata, Valedictorian nga ako nung HS eh. Tapos nung lumabas yung mga grades at results nung mga exams, shet! ang tataas ng Math, Science at General Info ko... pagdating nung English, YUCK! ang baba! bagsak! hahaha! Ang tanga tanga ko pala sa English, hindi ko nakita yun until ng time na yun. Dahil dun, nag-pursige ako na alamin ang punyetang English na yan. Ayun, may rules rules pala. Hahaha! Akala ko nung HS basta kakabisaduhin mo lang ang meaning ng Parts of Speech, terms and definitions. Kailangan pala, intindihin mo yung meaning at i-apply mo sa paggamit. Kaya ayun, hindi naglaon, naging maayos ang English Skills ko. Pero hindi ko pa naman maihanay na magaling yung grammar ko, kasi minsan eengot engot pa din ako sa spelling at grammar. 

Pero yun nga, nung gumaling ako sa English, panay naman ang okray ko sa English ng iba. Insecurity nga ang puno't dulo. Pero anyway, unti unti ko naman na iniiwasan, tulad nga ng sabi ko, sa mga ka-close ko na lang at sarili ko ako masyadong critical. Pagdating sa iba, pinapalampas ko na.

Sa pag iisip isip, Filipino naman tayo, kailangan ba talagang magaling tayo sa English? Naisip ko naman, sa panahon ngayon kung saan laging paksa at nagyayari naman talaga, KAILANGAN! Ang tinutukoy ko ay globalisasyon. Bawat isa sa atin eh dapat maging competitive, dahil kung hindi, maiiwan at maiiwan tayo. Hindi naman kailangang super perpekto ang English, pero sana naman, katanggap tanggap man lang ang maging paggamit natin sa English.

Ang nakakalungkot,  may mga teachers na nagpapatype ng exam sa amin (may computer shop kami), tapos pag binabasa ko yung mga questions sa English at Science partikular, GRABE! nakaka-shock ang kamangmangan ng mga teachers sa paggamit ng English. Maihahanay ko ang kanilang English sa linya ng hindi katanggap tanggap! Isa sa natatandaan kong tanong eh, "Circle the animals that is the carnivore." Eeeeew! Ano yun? Good luck na lang sa bagong henerasyon kung ganitong kalidad ang mga teachers nila.

Ano kaya ang pwede nating gawin? Marami, pero ang lahat ay dapat magsimula sa tahanan. Magulang ang dapat humikayat o magsimula ng maayos na paggamit ng English. Walang kayabangan sa pagiging marunong mag English. Ito ay kinakailangan sa panahong ito. Dahil kapag malaki ka na, at tipong, medyo naligaw ka ng landas o linya... at least hindi ka magugutom, pwede kang pumasok sa Call Center. Hahaha! At hindi lang yun, 10% ng Filipino nasa labas ng bansa, malamang sa malamang na ikaw mismo ay mag-a-abroad din, abante mo na ang mainam na paggamit ng English.